Monday, December 30, 2013

Ano ba ang BAKLA...sa isang RELASYON???

BAGO NYO PO BASAHIN... GUSTO KO LANG MUNA MAG SORRY KUNG MERON MAN AKONG MATATAMAAN or MASASAGASAANG TAO SA MGA SASABIHIN KO DITO.... 

GANUN PA MAN... 

LAHAT NG NAKALAGAY DITO AY AKING OPINYON LAMANG..

MARAMING SALAMAT PO....


May nagtanong sakin.... "ANO BA ANG BAKLA...SA ISANG RELASYON???"...

ang sabi ko naman... "DEPENDE YAN SA ISANG BAKLA....KUNG ANO TRIP NYA SA PAKIKIPAG RELASYON"...

Iba-iba rin kasi ang topak ng isang bakla... depende yan kung anung klaseng eksena ang gusto nyang mangyari sa kanyang relasyon


BAKLANG TIPID-TIPIRAN
- Ito yung mga baklang medyo matipid magmahal... Yung konti lang yung love na binibigay nya sa kanyang jowa dahil mas mahal nya yung sarili nya... Yung mas mahal nya yung mga Collections nya kesa sa Jowa nya...Yung okey lang na walang masyadong text, Walang masyadong Date, Walang masyadong sex, basta ang importante may jowa lang sya..


BAKLANG MAHINAHON
- Ito yung mga baklang "SLOW BUT SURE" ang eksena... Sila yung hindi naman masyadong nagmamadali sa lovelife... Yung magsisimula muna sa friends bago pumasok sa relasyon...gusto kasi nila mag build muna ng relationship from the start...Sila rin yung super fanatic ng Happily Ever After... yung pang Walt Disney ang peg.. Karamihan sa kanila...FOR SERIOUS AND LONG TERM RELATIONSHIP ang trip sa lovelife


BAKLANG DORA THE EXPLORER
- Sila yung mga baklang mahilig mag Out of town, Mag out of the Country, Mag out of the world... Yung pupunta sa isang lugar dahil nagbabaka sakaling dun makilala ang right guy para sa kanya... Yung naniniwala sa destiny...pero masarap magmahal ang mga ganitong bakla...Karamihan sa mga ganito eh yung medyo mapepera ang wallet... pero Sosyal ang mga monthsary at anniversary nyo...Puro byahe to the max... hahaha kaya dapat ready lagi ang passport mo. 


BAKLANG "MRT"
- Diba sa MRT, dinadaanan nya yung bawat station para ihatid ang mga pasahero sa kani-kanilang lugar na pupuntahan... Ganito rin ang eksena ng mga baklang MRT... Madalas mangyari ito sa mga CLAN, SCHOOL, or sa BUONG BARKADA... yung halos dadaanan nya lahat para gawing jowa...tapos pag sawa na..saka nalang iiwan at lilipat naman sa kabila... Sila yung mga hindi makuntento sa isa... Yung madaling magmahal pero madali magsawa... Yung parang mauubusan ng jowa sa mundo... Ohh diba parang gago lang...


BAKLANG BUFFET
-Parang baklang MRT... pero this time...lahat titikman...tapos pag busog na lilipat ulit sa kabilang restaurant para sa panibagong buffet.... Putangenang yan!!! Hayok sa buffet... Feeling ko walang love na umeeksena dito eh...Puro libog lang... pero sinama ko narin ito sa List...baka sakaling may matamaan...


BAKLANG SOCIAL CLIMBER / GOLD DIGGER
- Yung mga baklang gusto sa mamahaling restaurant mag date... Yung gusto ng mga Brand new and Signatures na gift sa monthsary nyo....Yung maglalagay ng status na "Looking for serious relationship"... PERO para lang sa mga mayayaman... Yung mahilig pumunta sa mga sosyal na Bars, Events, Restaurant,... Yung iba dito medyo gipit sa buhay kaya hanap ng mapeperang jowa para umasenso ang buhay... sila yung mga praktikal sa buhay...infairness na
sa kanila... Keri ka naman nilang mahalin...pero mas mahal muna nila ang pera mo...


BAKLANG KALABAW FROM BUKIDNON
- Ito yung mga baklang sobra-sobra magtrabaho, pero wala ng masyadong time sa jowa... Yung tipong kumakayod sila para sa kanilang pamilya para sa pang araw-araw na gastusin sa bahay.... Well wala naman masama kung uunahin ang pamily...pero syempre isipin mo rin yung kaligayahan mo... Isa rin kasi sa mga reason kung bakit nagkakahiwalay ang mag jowa dahil wala ng time sa isat isa.... Dapat mong matutunan ma balance ang time for family and for the jowa. 


BAKLANG BALIWAG TERMINAL STATION
- Sila yung mga baklang baliw sa pagibig at relasyon... Very creative sila..Halos lahat ng kabaliwan pumapasok sa utak nila... Yung tipong tatawa tapos biglang iiyak sayo Tapos biglang magwawala dahil hindi mo nabigay yung pinabibili nya sayo... Yung wala ka naman ginagawang masama pero magagalit kagad sya na walang dahilan... Sila rin yung may dialogue na "KAPAG INIWAN MOKO....MAGPAPAKAMATAY AKO"... yung magkatampuhan lang kayo tapos mababalitaan mo may laslas na yung pulso nya.... sila yung mga baklang very sensitive kaya medyo ingat-ingat din sa kanila... Sa sobrang pagmamahal nila... lumalagpas na sila sa limitation...yung hindi na nila ma control yung feelings... kaya pati yung sarili nila sinasaktan nila.... 


BAKLANG MISS FRIENDSHIP
- Yung magkarelasyon kayo pero mas priority nya yung mga friends nya... Yung halos lahat ng tao sa buong mundo kakilala nya.... pati sa oras ng date nyo kakilala nya yung waiter, security guard, yung labandera sa kanto nyo, yung callboy sa recto, pati MMDA kakilala din nya.... Ewan ko nalang kung mabalitaan kong pati presidente ng pilipinas friends nya.... Yung sasali pa sa CLAN kahit na magjowa na kayo..Tapos super dami nya inaadd sa facebook na hindi naman nya kilala... Putangena tatakbo ba itong barangay Chairman... Minsan kasi hindi na kayo masyadong naka focus sa relasyon nyo... More on friendship to the max yung baklang jowa mo....


BAKLANG MARTIAL LAW
-Sila yung mga baklang sobrang higpit...yung halos nakakasakal na... yung pati pag utot mo kylangan nyang malaman.. Bawal facebook......Bawal text (dapat sya lang katext wala ng iba pa)....Bawal Pasyal sa Mall, Bawal kumain ng pork... Bawal inuman kahit anung okasyon.... Bawal Tingin sa ibang tao kapag kasama mo sya...dapat sa kanya ka lang nakatingin... Dapat matulog bago sumapit ang 9pm... Dapat pagkatapos ng school or work..Uwi kagad.... Bawal pink shirt..dapat discreet padin in public... Bawal sweetness kahit saang lugar... Bawal Kaibigan sa bahay... Lahat bawal sa kanya... Yung sya ang maghahandle lahat...Kaya bawal ang mag reklamo... kaya dapat..pagnagtext sya sayo...AGAD-AGAD magreply ka..dahil kapag matagal ka naka reply....magagalit sya sayo.


BAKLANG FETUS
- Eto naman yung mga baklang super duper childish... Yung super damulag na pero kung umarte isip-bata.... yung pag nagsalita sya parang nanunuod ka ng cartoon network... Yung parang tanga lang... Pero sila yung mga baklang super sweet,... yung mahilig mag hug and kisses... yung madaling umiyak at matuwa.... Yung mahilig mag Duck face pag nagpapalambing.... Kaso yung ibang baklang fetus...nauuwi sa pagka jejemon eh... Yung magtetext sayo ng "EowPohwz Muhzta Pohwz Khayopowh"... (hahaha Tangenang yan...sumakit ulo ko)

BAKLANG HUNGER GAMES
-Sila yung mga baklang puro online games ang peg... Dota maghapon...Playstation all the time...kahit oras ng sex nyo nagcacandy crush pa ang gagu...Yung buhay na buhay ang dugo nya kapag nalalaro kayo ng mga online games... Tapos monthsary nyo sa computer shop dahil kylangan nya mag level up sa Dota... Hahahaa Putameme naman ohh


BAKLANG MAHILIG MAGINARTE
- Yung mga baklang mahilig maginarte....Yung matataas ang Pride...Yung kahit maliit na problema pinapalaki pa... Yung kahit sya na yung mali...sya pa yung magiinarte na gusto nya hahabul-habulin sya...Yung magmamakaawa at luluhod sa kanyang harapan para lang patawarin sya.... Yung kylangan todo effort ang jowa nya na gumawa ng paraan para magkabati sila...Basta gusto nya Bonggang pagmamakaawa ang gawin ng jowa nya para sa kanyang kapatawaran...pero kapag yung jowa naman nya yung nagtampo...Wala syang gagawin kahit isa... hahayaan nalang nya ulit lapitan sya ng jowa nya.... Sila rin yung mga baklang mahilig magumpisa ng issue sa relasyon para magkaroon ng away...para in the end..lambing-lambingin sila ulet...(Ang arte-arte nyo teh!!! sarap nyong sampalin ng deodorant)


BAKLANG SANTA CLAUSE
- Eto yung mga baklang sobra talaga magmahal....Yung ibibigay nila ang lahat para sa kanilang mahal... Cellphone, Laptop, Flatscreen T.V, Kotse, Tuition Fee, Bahay at Lupa....Pati yung kalabaw sa probinsya kaya nilang ibenta para lang may ibigay sa kanilang mahal.... Kaso yung iba inaabuso sila eh... Purket alam nilang may ibibigay yung bakla...Get parin sila ng Get.... May na interview ako dati about sa ganitong sitwasyon... ang sabi nya... "Masaya ako sa ginagawa ko... Alam ko naman na minamahal ako ng jowa ko dahil may binibigay ako sa kanya... Para sakin okey lang yun... Give and take lang naman kami sa relasyon... Nabibigay ko ang gusto nya...Nabibigay nya rin ang gusto ko...kaya Patas lang kami".... (Okey fine speechless nako hehehee)



BAKLANG LUNOK NG BATO
- Sila yung mga baklang Martir sa pagibig.... Yung kahit niloloko na sya eh Wa Epek padin ang eksena nya sa buhay... Yung okey lang sa kanya magmukhang Tanga sa ibang tao basta ang importante mahal nya si Jowa nya...at karamihan sa mga baklang ito... SARADO ANG PAGIISIP... kahit gaano kaganda ang advice mo sa kanya...hindi ka parin nya maiintindihan kasi nga closed ang kanyang HEART AND BRAIN... Ito yung klase ng mga bakla na talaga super magmahal... as in grabe talaga sila magmahal...kaso hindi lang nila ma control yung feelings kaya kahit niloloko na sya..... Go padin sya ng Go... Tuloy parin ang buhay kahit super tanga to the max na sya......(huhuhuhu nakaka relate ako!!! Punyeta parang pinaparinggan ko sarili ko dito sa blog ko ha!!!) Ouch lang teh..hahaha


BAKLANG MANAGER
- Ito yung mga baklang marunong mag handle ng relasyon.... karamihan dito medyo may edad na.. siguro dahil sa matured na sila magisip sa buhay... Meron din naman mas bata pero karamihan talaga may edad na....Sila rin yung mahilig magplano in the future. Yung iba sa kanila nauuwi na sa same sex marriage dahil narin sa pagmamahal nila sa isat isa... Basta bilang baklang manager masasabi kong sila talaga yung seryoso magmahal..  Sila rin yung may gusto ng Live-In churvabels...at yung iba sa kanila...Seryoso kausap... Malalim magsalita... Kasi nga matured na magisip.. 




Nakakatawa man sabihin PERO...Halos karamihan dyan sa list...Ay na experience ko napo sa sarili ko at sa mga naging partner ko sa buhay... 

hindi ko po kinakahiya yun....

pero ganun pa man... Marami parin akong natutunan bilang isang bakla sa isang relasyon...


"HINDI PO MASAMA MAGMAHAL.....PERO DAPAT ALAM MO KUNG HANGGANG SAAN ANG IYONG LIMITASYON PAGDATING SA PAKIKIPAG RELASYON."


"AT BAGO KA PUMASOK SA ISANG RELASYON.... DAPAT NAKA READY NA YANG UTAK AT PUSO MO SA MGA PANGYAYARING MAGAGANAP"


"LAHAT PWEDENG MAGMAHAL....PERO LAHAT WALANG TAKAS SA POSIBLENG SAKIT NA MARANASAN"...




Guys...Maraming, Maraming salamat po sa binigay nyong oras na basahin ito...

Kung meron man kayong gusto pang idagdag... post lang po kayo ng comments sa ibaba..

Thank u po ng bonggang-bongga...

=D


Friday, December 27, 2013

Life @Baguio City (My Birthday Challenge)


September 2013, Habang nagiinternet ako. Iniisip ko kung anu bang pwede kong gawin for my upcoming birthday celebration sa December 25, 2013...Simula Highschool hindi na kasi ako pinaghahanda ng bongga ni Nanay sa bahay...dahil Unang-una..ayaw nya ma stress sa pagluluto at matrabaho daw kasi dahil ang dami liligpitin pagkatapos ng Handaan... Ayaw naman nya magpa Catering dahil Lalong magastos... Kaya naman pinepera nalang nya yung birthday gift nya sakin..

Common na kasi yung Mamasyal sa Mall, Manuod ng Movies, Mag dinner sa restaurant, or pumunta Star City or Enchanted Kingdom...Nagawa ko na kasi lahat yun nung mga past birthdays ko... Gusto ko kakaiba naman... Yung medyo challenging...Yung never ko pa nagawa sa buong buhay ko..

November 2013, Biglang pumasok sa isip ko na "WHAT IF...MAG OUT OF TOWN AKO MAGISA".. as in ako lang magisa pupunta sa lugar na hindi ko pa talaga napupuntahan. Syempre bigla akong na excite sa naisip ko... 

Unang pumasok sa Brain ko ang lugar na "BAGUIO CITY"... as in never pa kasi ako nakapunta dun. at gusto ko talaga ma experience yung lamig ng lugar....

So nagplano talaga ako ng mabuti... Ang birthday challenge ko Makapag stay ng 2weeks sa baguio city na may 3,000pesos lang na budget,... As in wala akong kamag-anak, kakilala, or matutuluyang bahay. Pero balak kong lumapit sa mga simbahan or mga orphanage na pwedeng hingan ng tulong para makapag stay kahit sa konting araw man lang.....

Planado na ang lahat. kaya Ready nako for the challenge....Kaya sumugod kagad ako sa Victory Liner Cubao Bus Terminal para magpa reserved ng ticket to baguio. Balak ko sana ng december 23, kaso Puno na... kaya napaaga ang pagpapa reserved ko... naging December 19 nalang... (No Choice)



Actually P450pesos yung regular Aircon Bus... pero dahil sa kaartihan ko mas pinili ko yung 1st class na Bus yung may C.R sa loob....Worth P715pesos.... Hindi ko pa kasi naexperience sumakay sa ganitong klaseng bus eh... Yung P715pesos na ito ay hindi pa kasama dun sa budget kong 3,000... naka separate ito... parang bonus nalang sakin ito ni nanay hahaha... 

December 19, 2013- (9pm) maaga ako nasa terminal ng Victory Liner... Kasi December 20, 2013 (12:15am) ang alis ng Bus... syempre ayoko naman Magmaganda at maging Head Turner sa pagiging Late ko.. baka sabihin pa VIP naman ako. Hahahhaa... 


Seat #19 ako nailagay... Sa tapat mismo ng C.R hahaha.. pero okey lang. Mabango naman kasi yung C.R... yun nga lang.. nakakatakot yung Flash ng inidoro..parang isang malaking Vacuum Cleaner na hihigop sa buong pagkatao mo... Nakakatakot parang may halimaw na lalabas sa butas ng inidoro..pero okey lang naman...mabango naman sya...dahil sa Albatros na nakasabit sa gilid ng pintuan.. 



Ito naman yung Bus attendant na parang Flight attendant ang Peg... Infairness maganda sya. at super mabait. Namimigay sya ng free snacks bago umalis ang bus.



Ito yung Free Snacks kapag naka 1st class Bus ka... Pwede narin pantawid Gutom. at may Free Mineral water pa yan ha... 



Syempre solong-solo ko ang Upuan with matching Green Pillow Neck na mukhang Salbabida.



Super natuwa ako dahil may Electrical Outlet ang gilid ng upuan... So okey lang pala Kahit magdamag ka pa magcellphone or gumamit ng Free Wifi sa Bus... Free Charging ang eksena. sana pala dinala ko yung Disco Lights sa kwarto ko para Party-Party ang peg namin sa loob ng bus... Super naaliw talaga ako dito sa white Electrical Outlet

Almost 5Hours din ang byahe simula Manila to Baguio City. Hindi lang ako nakatulog ng maayos dahil sa mga sumusunod....

1. May mag Jowang Bisexual akong katapat sa upuan..Medyo sweet sila... Kaya na bwiset ako.. (Medyo na insecure lang ako hahahaha) Nakakainis talaga... buti pa sila sabay magbakasyon...samantalang ako...NGA-NGA

2. Ang lalakas ng Hilik nung ibang pasahero.... sabay-sabay sila humilik na parang may concert sa araneta coliseum... 

3. May batang iyak ng iyak... natakot siguro dahil patay ang lahat ng ilaw sa bus


(December 20, 2013) 
Nung nakalapag na yung Bus sa Victory Liner Terminal Station ng baguio City... Pagbaba ko ng Bus.. Biglang sumampal sakin yung napakalamig na hangin. Sobrang nakakaloka....Para nasa loob ako ng Freezer... eh saktong 5am pa nun... Sobrang naloka ang buong katawan ko... Buti nalang may Jacket akong dala... Sumugod ako sa 7eleven. Bumili ako ng Hot Choco... 

Sa mga oras na yun, Wala akong idea sa lugar. Kaya naman nagsimula nako magtanong-tanong at maglakad-lakad kahit madilim pa. Medyo natakot ako kasi baka ma holdap ako at saka ang dilim pa talaga sa ibang part ng Kalsada...pero ang hindi ko ma Keriboomboom..yung super lamig talaga... Hindi ko akalain na Mahihigop ko yung napakainit na kape ng diresto... at mas na shock ako... dahil 1st time kong maranasan yung umuusok ang bunganga ko habang nagsasalita... Yung parang nasa ibang bansa ka... hahaha

Simula Victory Liner terminal..nilakad ko hanggang Burnham Park... medyo malayo ang nalakad ko. Pagdati ko dun may mga gwapong nagjojogging na... may mga Aerobics chuva na nagaganap dun... Naupo nalang ako sa isang sulok... Iniisip kung anu ba mangyayari sakin dito.. wala akong matutuluyan... saan ako pupunta... Hindi ko talaga alam gagawin ko. 

Para hindi ako ma stress ng Bongga... Naisip ko na maglibot muna.. Pagaralan ang bawat sulok ng lugar. Gumala muna ako tutal malamig naman eh.. Sa unang araw ko sa baguio..ito ang mga pinuntahan ko....


Ito ang sikat na Cathedral sa kanila... ito yung unang-una kong pinuntahan. So bago ka makapunta sa mismong simbahan... kylangan mo muna umakyat sa pagkataas-taas ng hagdanan... Juiceko umagang-umaga super exercise ang eksena dito sa hagdanan... eh yung hagdanan nga sa bahay namin medyo hinihingal nako eh...dito pa kaya sa hagdanan nila... Promise sumakit talaga binti ko dito...







ito ang pinaka taas ng cathedral... Super lamig dito... talagang Sasampal sayo yung malamig na hangin,.. Ang taray ng outfit ko diba.. Lalo na yung Blue bag with matching Blue flowers hahaha... halatang naglayas talaga eh.. Thanks pala dun sa babaeng napakiusapan ko na picturan ako hahaha buti pumayag sya...


Sa gilid ng cathedral, merong area kung saan pwedeng tumambay. Dito ko naisipan magpalipas  ng maraming oras para magisip-isip kung anung mga plano kong gawin dito sa baguio... Kaso dito sa area na to... Super Lamig talaga... Super hangin talaga.. Tutal ako lang naman magisa ...eh selfie-selfie muna pag may time... Buti nalang may Timer yung camera...kaya nakakapag picture pako magisa..Balak ko sana dito matulog sa gabi.. Kaso sinasarado nila ang buong paligid ng simbahan... hanggang 7pm lang sya... maraming nakabantay na guard kaya wala kang takas...  



Ito ang "Session Road" kung saan hirap na hirap ko Lakarin... Pataas-pababa ang eksena mo dito. Maraming mga establishment dito katulad ng Convenience Store, FastFood Resto,  Bars, and Ukay-Ukay... kaya naman maraming mga taong dumadagsa dito lalo na pagpatak ng 5 to 6pm... Grabe super daming tao talaga... Maliit lang naman ang session road... pwede mo syang lakarin all the time... kaso medyo nakaka hingal lang talaga... pero kahit nakakahingal at maraming tao.... eh malamig padin ang area.

Mababait ang mga tao sa Baguio... Sobrang bait din ng mga taxi driver at mga jeepney driver... Hindi sila mga madudupang at maeepal katulad ng mga driver dito sa manila.... Kaya naman kahit sa mga transportation...safe sumakay dito... ang taxi nagsisimula ang metro nila ng P35pesos... samantalang ang mga jeep naman 8.50 ang regular rate hanggang 25pesos kung malayuan ang pupuntahan... May ibat ibang terminal ng jeep depende sa kung saan ang pupuntahan mo... Medyo magkakalayo ang mga terminal kaya dapat ready ka sa paglalakad..



Simula Session Road nilakad ko lang hanggang Pink Sister Convent and Chapel... Medyo malayo pag nilakad kaya naman sumakit din ang paa ko. After ko dito sa pink sister. Dumiresto ako sa "WRIGHT PARK".. Balak ko sana lakarin kaso sabi ng mga napagtanungan ko sobrang layo.. wag na daw ako magtipid kasi P8.50 lang naman pamasahe sa jeep... 

Sa wright park, Unang bumungad sakin ang maraming kabayo... Super cute ng ibang kabayo super Pink ang hair color nila...P100pesos ang pag ride for 1hour





Bago ka umakyat sa napakataas na hagdanan papuntang garden ng wright park... pwede kang mag rent ng Igorot costume at magpa picture... P10pesos lang naman yung bayad sa kanila...


Ito yung napakataas at nakakahingal na hagdanan paakyat sa garden ng wright park... Super nakaka hingal talaga... sumakit yung binti ko dito promise



 Pag akyat mo sa taas. Makikita mo itong isang mahabang Fish Pond papunta dun sa "THE MANSION".. may mga tao ditong nagbebenta ng mga orange fruits na sobrang tamis... P50pesos tatlong piraso











itong "THE MANSION" ay isang lugar kung saan bahay bakasyunan ng ating Philippine President. Bawal na kasi pumasok sa loob dahil unang-una...hindi naman ako presidente ng pilipinas...... kaya hanggang gate lang ako... baka mabaril pako nung mga gwapong guard na nasa gate. 


salamat pala dun sa isang matandang lalaki na kasama nya ang kanyang anak. Nakiusap ako sa kanya kung pwede picturan nya ako... hehehe sya po nag picture lahat ng solo ko dito... Buti nalang mabait yung matandang lalaki...Tiga manila rin sila... salamat sa kanya at nagkaroon ako ng souvenirs dito sa taas ng wright park... 






Sa taas ng wright park..may mga cute na lalaking nagbebenta ng "STRAWBERRY TAHO"... P20pesos lang sya.. kung dito sa manila Sugar syrup or vanilla... dito sa baguio strawberry syrup with matching Buo-Buong strawberry fruits....Infairness masarap sya. Lasang Taho padin hahaha


After ko mamasyal..

Pumunta ako sa DSWD para magtanung or kumuha ng mga information about Bahay ampunan dito sa baguio.. Makikituloy sana ako.at saka gusto ko mag spend ng christmas sa mga batang wala ng mga magulang or naiwanan ng mga magulang...

Nagpapasalamat din ako dahil mababait yung mga DSWD ng baguio...Binigyan nila ako ng zerox copy lahat ng mga bahay ampunan... 

May isa akong pinuntahan na Orphanage... malapit lang sa DSWD office ng baguio... Hindi nila ako tinggap.. wala daw silang ampunan para sa mga turista... at nag sermon pa sya sakin...ang sabi sakin... "ALAM MO NAMAN NA MAGBABAKASYON KA DITO...DAPAT PINAGHANDAAN MO YUNG PERA MO... PANG CHECK IN... HANAP KA NALANG TRANSIENT DYAN... MURA LANG YUN!!!".. 

at ang pahabol na sermon nya sakin.."BUONG BAGUIO WALANG ORPHANAGE PARA SA MGA TORISTA. KAYA MAGHANAP KA NALANG NG ROOM FOR RENT"....

Ang sa akin lang naman... "Hindi naman ako magpapa ampon ng habang buhay... Gusto ko lang mag spend ng christmas kasama yung mga bata... Yun lang yun"

Medyo nabwiset ako dun sa balugang babae na hindi naman kagandagan na mukhang Panis na menudo... kaya umalis nalang ako... Nawalan nako ng gana...

Bigla kong Naalala yung isang lalaki na nakausap ko sa Burnham park na nagtitinda ng kape...ang sabi nya.. Kung wala ka talagang matutuluyan dito.. pumunta ka nalang sa Victory Liner Terminal... pwede matulog dun... marami natutulog dun.. Yun nga lang... baka hindi ka sanay matulog sa matigas na upuan...

Sinubukan ko matulog ng isang gabi...Infairness sumakit talaga ang buong katawan ko.. Nakakangawit matulog sa upuan.. in the end ..hindi rin ako masyado nakatulog.. kaya naghintay nalang ako na sumikat ang araw... Kuya Germs ang peg ko sa mga oras na yan..."walang tulugan!!!"


(December 21, 2013) 
Sobrang gutom na gutom na talaga ako nung umagang yun... Umalis ako sa victory Liner terminal ng 5am... Pumunta ako ulit sa Session Road.. syempre nilakad ko na naman kahit masakit ang katawan at binti ko...dumiretso nako sa Jollibee.. super gutom ako kaya hindi ko natiis gumastos ng 120pesos na breakfast meal nila... pero pagdating ng lunch kylangan mag sacrifice ng budget... Cup Noodles nalang yung lunch ko. 


Pangalawang araw ko na sa Baguio...Kahit wala pang masyadong tulog.. Namasyal padin ako. Pumunta ako sa "MINES VIEW PARK"... Simula session road sumakay ako jeep going mines view park... P24pesos ang pamasahe... Medyo malayo kasi eh... pero Infairness super ganda ng view dito.. Super taas... Super tahimik... (Wala po ditong Entrance fee)



Syempre Pa picture ulet na Igorot Costume. P20pesos


Ito yung view sa taas ng Mines View...nakakawala ng problem.. fresh air pa.. sarap tumambay maghapon


Syempre super picture din sa kabayo.. Kaso medyo nakakatakot yung kabayo kasi parang pumipiglas sya.. baka mamaya pagsakay ko biglang tumakbo at tumalon sa pinaka taas ng mines view... Chugibangbang ang peg ko nyan. pero safe naman daw sabi ni kuyang tagabantay ng kabayo... Nakatali naman yung kabayo eh... P20pesos ang magpa picture


Malapit lang sa Mines View itong "GOOD SHEPHERD".. kaso hindi nako pumasok. Wala lang...trip ko lang hindi pumasok..


After ko sa Mines View, Sumakay ako jeep papuntang Botanical Garden..P8.00pesos lang pamasahe... Maraming salamat kay Kuyang Magtataho dahil pinicturan nya ako dito.. Kaso once na magpapa picture ka dito sa harap ng Botanical garden..biglang may lalapit sayong mga Matatandang Nakasuot ng pang igorot... Lalapit sila bigla sayo at sasama sa picture mo...Kaso sisingilin ka nila ng 10pesos each...Eh ang dami-dami nila... so dapat mag ready ka ng 50 to 80pesos para bigyan yung mga matatandang susulpot sayo... pero dahil sa Budgeted ako...gusto ko Solo ko lang....Kaso makulet talaga yung mga mga matatanda lalo na itong si tatang... kaya wala nakong choice... pinabayaan ko na...P10pesos para kay tatang...

Sa loob ng Botanical Isang malaking garden na punong-puno ng mga bulaklak... feeling ko isa akong Dyosa na nakatira sa napakalawak na hardin... Kulang nalang nakasuot ako ng White Shimmering Gown made by Rajo Laurel collections

Sa loob din ako nagpalipas ng oras... nakatulog ako dun sa Upuan na Bato... dun ko talaga naramdaman yung pinaghalong "PAGOD AT PUYAT".


After ko magpahinga sa Botanical Garden, walking distance lang ang Teachers Camp.... kung saan marami daw multo dito... Syempre hindi nako pumasok sa loob kasi Taas-baba na naman yung eksena sa loob... masakit na talaga paa ko...

Sa mga oras na yan... Parang bibigay na talaga yung katawan ko... isang araw palang ako walang masyadong tulog pero super na stess nako dahil puro lakad at byahe ang eksena ko... Tapos ang bigat-bigat pa ng mga bags ko... 

Naisip ko na pumunta nalang ulit Victory Liner Terminal para matulog kahit saglit lang... Mag reCharge lang ako ng energy...

Habang naglalakad ako papuntang Terminal...May nakita akong isang lalaking pulubi na may hawak na karatulang "TRANSIENT FOR RENT"... tinanong ko sya kung magkanu mag stay in per night... hindi sya makapagsalita kasi Pipi pala sya... nag senyas nalang sya na 300pesos... Wala nako nagawa... kinuha ko na yung 300pesos... Super pagod na talaga ako... ito yung loob ng room...



P300pesos per night / per person ang stay sa Transient na toh... Maganda, Malinis at Malaki ang room. Good for 3 to 4persons ang room. Tapos super lamig pa. May sariling aparador. 2nights ang kinuha ko kaya P600pesos din ang nagastos ko dito... Okey narin yun kesa naman magtyaga ako matulog dun sa Terminal ng Bus... 


  
Grabe Super Tulo laway ako sa sobrang pagod... Dito nako nagpahinga ng bonggang bongga



May sarili din C.R... Kaso ang problema lang dito...Walang hot water... Kaya magtyaga ka sa sobrang lamig na tubig... Inaabot nga ako ng 1 hour maligo kasi dinadasalan ko pa yung tubig na sana uminit man lang hahaha... 

May oras din ang tubig dito.. sa gabi lang binubuksan ang Tangke ng tubig... kaya dapat gabi palang magipon ka na ng tubig para buong araw may magamit ka.... Monday to Saturday may tubig...pero pagdating ng sunday Buong araw na walang tubig... So ngayon alam mo na dapat mong gawin ha.. hehehe

Kung may balak kayo mag stay in dito sa Transient na tinuluyan ko...

Text nyo lang itong si Ate Jenny # 0921 235 05 44.. mabait po sya at maayos kausap.. at ang kinaganda nitong transient...malapit lang sya sa terminal ng Victory Liner...


Tutal may Transient nako at nakapagpahinga nako ng konti... Malakas na loob ko mamasyal ng bongga.. Na shock ako sa Night market sa Session Road.. tapat lang ito ng Burnham Park... Super siksikan ang eksena.. Super sarap mamili kaso budgeted ang peg ko ngayon... kaya hanggang tingin nalang ako... sa mga oras na yan.. Sobrang lamig talaga... kaya super benta to the max ang mga tao ng jacket at Bonnet... halos lahat binebenta dito puro damit, sapatos at bags....


Sya si Kuya Yam....Matagal na syang nakatira sa Baguio... Bago ako pumunta sa baguio nagka chat muna kami. Nakilala ko sya sa P.R. ang sabi nya sakin, willing daw sya tulungan ako pag nasa baguio nako...Pinapag stay nya ako sa room nya kaso tumanggi ako... Nakakahiya naman kasi... at saka may transient nako eh... kaya okey narin ako dun.

Hindi naman ako nagkamali sa taong pinagkatiwalaan ko. Mabait itong si Kuya Yam. Lagi ako tinetext at kinukumusta kung okey lang ba mga pinag gagagawa ko sa baguio... Very supportive and understanding itong si Kuya... kaya malaki rin ang pasasalamat ko dito sa taong ito dahil hindi nya rin ako pinabayaan nung mga oras na yun...


Ito naman si Cj... pagpatak ng gabi biglang magtetext si Kuya Yam na mag dinner kami sa hauz nila Cj... Sa unang tingin medyo masungit itong si Cj.. pero mabait at makulet itong taong toh... Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil sa nakakabusog na dinner na hinahanda nya samin ni Kuya yam. Kaso na culture shock lang talaga ako dahil ang layo ng bahay nila....Super lakad talaga to the max... Grabe.



Sinama ako ni Kuya Yam sa Christmas Party ng grupong MCC MetroBaguio or ("Metropolitan Community  Church of MetroBaguio").. isa itong grupo or samahan ng mga bakla at tomboy... parang LGBT

Meron silang konting pagsasalo-salo. Nahihiya nga ako kasi wala akong naambag na pera sa kanila... pero sabi ni Kuya yam, Okey lang daw yun. Bisita nila ako. hehehe

Bago magsimula ang dinner. Nagkaroon muna ng isang Mass... 

Super daming pagkain... Talagang nabusog ako...at syempre nagkaroon ng inuman portion

Dito ko rin nalaman na sila rin yung responsible for same sex marriage... P5,000 ang bayad

Nakakatuwa kasi mababait sila at mahaharot. hahaha.. Malaya silang gumalaw at magsalita sa kahit na anung gusto nila... Sa grupong ito walang diskriminasyon, Tanggap nila ang isat-isa. 

kaya naman maraming salamat sa MCC metro baguio at nakilala ko kayo... at pinakain nyo ako ng bonggang-bongga.. at thank you din kay Kuya Yam sa pagsama sakin dito... 


(December 22, 2013): 
Dahil sa nahilo at nalasing ako sa christmas party ng Mcc MetroBaguio. Nagpahinga nalang ako buong maghapon sa Transient hauz... Tapos niyaya ulit kinagabihan ni Kuya Yam mag Dinner sa hauz nila Cj... 


(December 23, 2013): 
Check out ko na sa Transient hauz... Gusto ko pa sana mag extend kaso medyo kulang yung pera ko... 


Tinext ko itong si Ken Corbe na super friends ko sa manila. Umuutang ako ng 300pesos para lang makapag extend ako ng another 2days sa transient dahil ayoko pa talaga umuwi... Super thank you ako dahil hindi sya nagdalawang isip na tulungan ako... Tinawagan nya ako for the money transaction... kaso hindi natuloy ang kanyang pagpapadala ng pera dahil wala akong dala kahit isang I.D... eh need yun sa LBC or western Union. Kaya ang sabi ko wag nalang sya padala... hanap nalang ako murang transient...

May nakita akong mas mura na pasok sa budget ko... Isang transient hauz din P250pesos per night. Kinuha ko na for 2nights, Isang maliit na room lang pero malaki ang pinaka sala nya... Katabi lang sya nung unang transient na tinuluyan ko... Kaso biglang may nag check in na isang lalaki from manila... kaya dalawa kami sa room. Eh hindi ako sanay na may kasama sa room... kaya super na disappoint ako.. gusto ko sana umalis kaso nakapag bayad nako ng 500pesos for 2nights... Medyo may angas pa yung bagong dating na lalaki kaya nabwiset ako ng konti... pero medyo nahalata kong bading din eh... kaya parang na awkward ako ng konti sa kanya... 


Pwede kang magluto pero walang Gas... ohh diba.. sosyal.. 



 4 rooms ang nandito sa transient hauz... at 2 C.R..kaso pinagsama kami sa iisang room lang... nakakabwiset lang yung tagabantay ng hauz... ang dami-daming kwarto tinipid kami... very disappointing talaga....  




Sa isang Room dalawa yung bed... Dyan kami magkasama ni Kuyang Medyo maangas.. hehehe

4pm ng umalis muna ako sa bago kong transient hauz.... naiinis kasi ako dun sa room mate ko...Medyo snob... kaya namasya nalang ako sa Burnham park... Magdala po ng super jacket dahil super lamig dito sa part ng river
  • Boat Ride P100pesos per hour
  • Bike Ride P50 to 80pesos per hour

Kung Gusto nyo naman mag C.R... merong bayad
  • Kapag iihi ka lang 5pesos
  • Pag tatae ka 20pesos
  • Pag Maliligo ka Cold Water P25pesos pag Hot water 50pesos





6pm ng magtext sakin si Kevin... Si kevin yung isa sa mga nakilala ko sa P.R... naka chat ko na sya before ako umakyat ng bagyo.. Nagpapasalamat ako sa kanya sa konting oras na binigay nya sakin... Nag chikahan lang kami sa Burnham park... Kaso saglit lang yun dahil hahanapin sya ng kanyang Mudrabels... Infairness mabait si Kevin... masarap kausap... Thank u very much po Kevin...


After meet up kay Kevin.. Nagtext naman si Kuya Dan.. Isa sya sa mga nakilala ko nung umattend ako ng Christmas party ng MCC MetroBaguio... Sobrang bait nitong si Kuya dan... Sobrang kwela kausap.. Nilibre nya ako ng isang bote ng redhorse dun sa Insomia Bar malapit sa Abanao square..... Nagpapasalamat din ako dito kay Kuya dan kasi hindi nya ako pinabayaan nung gabing yun...At super Enjoy ako that night... Thank u so much po talaga kuya Dan (Si kuya dan yung naka white shirt) Yung lalaking naka black bestfriend nya na waiter dyan sa Insomia Bar


Pinatikim sakin ni Kuya dan yung Tinolang Manok version ng baguio... Ahmmm infairness masarap sya..kaso wala masyadong lasa... Hehehehe   pero pwede ng pampulutan.



(December 24, 2013):  2am ng Madaling araw na kami natapos ni Kuya Dan sa Insomia Bar. Nanuod pa kasi kami ng mga StandUp Comedian... Sobrang aliw talaga ako dahil may nag impersonate kay Regine Velasquez.. Sobrang kahawig nya talaga promise... kaya super thank you ako kay Kuya dan dahil naaliw talaga ako ng bonggang bongga

After ko sa Insomia.. Dumiretso muna ako sa Victory Liner terminal... Para mag free wifi... namimis ko na kasi mag facebook... Kaso inabot ako dun ng umaga 5am... hahahaha.. dun narin ako nakatulog. 

Paguwi ko sa Transient.. maagang nagising yung Ka room mate ko. Kinausap ko kagad para kahit papaano walang masyadong ilanganan....Nagchikahan portion kami.. Parang bading din naman kasi sya eh.... Kaya super talk show kami habang nanunuod ng T.V...

Infairness cute sya... kaso mukhang high level ang peg nya eh... kaya medyo may distansya ako ng konti... mahirap na mag expect...hahahaha


Hindi nako nakatulog nung dumating ako sa transient hauz... Pumunta nalang ako sa Market para bumili ng mga pasalubong lalo na yung bilin sakin ng ate ko na Romana Peanut brittle
  • Lengua de gato = 3 for 100
  • Crinkles = 3 for 100 (Chocolate or Strawberry Flavor)
  • Romana Peanut Brittle = P 95pesos each.. 
  • Strawberry Jam = 3 for 100
  • Baguio peanut Butter = P50pesos
  • Strawberry Wine = 3 for 100
Paguwi ko sa Transient hauz. Binaba ko muna yang mga pasalubong... Dumiretso nako sa Victory Liner Terminal para magpa book na pauwi ng manila.... Medyo kulang na kasi budget ko eh... mukhang hindi nako tatagal sa baguio. Kaya nakapag decide nako.. na umuwi nalang kahit gustong gusto ko pa mag stay...kaya nagpa book nako ng 5pm sa mismong araw na din yun. 

Paguwi ko ng transient hauz. Nagempake na kagad ako, Nagpaaalam nako dun sa tagabantay nag bahay at dun sa ka room mate kong Cute pero mukhang bitch...

Dumiretso nako Terminal. Naghintay ng 5pm... at nilisan ko na ang baguio city.....

Sobrang napakaganda ng view paguwi ko... Grabe nakita ko kung gaano kataas yung mga bangin na dinadaanan ng Bus... Tapos may isang area na nadaanan namin na sobrang labo ng paligid dahil bumaba ang makapal na ulap na tumakip sa buong kalsada na dinadaanan namin...Para kang nasa Silent Hill....Nakakatakot...buti nalang sanay yung driver ng bus sa ganung sitwasyon. 

Nung una kala ko madali lang malagpasan ang aking challenge na 2weeks na mag stay sa baguio na may pocket money na 3,000pesos.... NAGKAMALI AKO.... 

hindi ako naging successful sa plano ko at sa challenge ko sa sarili ko....

may mga times na pinaghinaan ako ng loob. 

Nawalan ako ng gana nung nireject ako ng isang Orphanage.... pero may mga taong tumulong sakin para mas maging memorable naman yung vacation ko sa duon...sa kanila talaga ako sobrang nagpapasalamat....

pero kahit hindi ko nalagpasan yung challenge ko... may natutunan naman ako sa 5 days kong pag stay ko sa baguio..

****Natutunan ko magtipid at pahalagahan ang pera.

"JUICEKOH...SA MAYNILA HINDI MOKO MAPAGLALAKAD NG MALAYO.... DITO LANG TALAGA SA BAGUIO KO NA EXPERIENCE YUNG TIPONG LALAKARIN NALANG PARA TIPID SA PERA.."

Juicekoday... Kung alam nyo lang talaga ang distansya ng Transient hauz na tinutuluyan ko papuntang Session road... Baka masampal nyo lang ako pag sinama ko kayo sa kabaliwan ko... "NAKAKA HINGAL TALAGA"....

pero kahit mahirap ang pinagdaanan ko sa baguio...Nagenjoy  parin ako sa ginawa ko

Hindi ako nagsisisi, Hindi ako nanghihinayang sa 3,000pesos na nagastos ko...

Sa next birthday ko... Gagawin ko ulit yung ganitong set up. pero sa ibang lugar naman...

Thanks to Following: (Super thank u po talaga sa inyong lahat)

- Kuyang Nagtitinda ng kape sa Burnham park
- Yung mga taong Pumayag na taga picture ko ng solo hahaha
- DSWD baguio for giving some information about orphanage 
- Mababait na Taxi and Jeepney driver
- Victory Liner Bus Terminal Baguio for the accomodation 
- Transient Hauz (Ate jenny and Mia)
- Sila kuyang Magtataho
- Mcc Metro baguio
- Kevin
- Kuya Yam, Cj and Kuya Dan


at syempre maraming salamat din po sa mga nagtyagang basahin itong blog ko... Sana po nabigyan ko kayo ng konting info about baguio city...


Thank u po... Merry Christmas and Happy New year



LordJay Pangilinan
(12-28-13)